top of page
Dr. Jacqueline V. Luzon
Slide1.JPG

Address: Bagumbong Taas , Caloocan City

School I.D. 136651

Telephone number: 287-8183

Unknown Track - Unknown Artist
00:00 / 00:00

PANALANGIN NG MGA BAESian

Kredo ng mga

Batang BAESian

Amang Diyos na Makapangyarihan sa lahat,

Ikaw ay aming tunay na sinasamba at pinupuri sa Iyong taglay na kabutihan sa mga guro at batang BAESians.

Kami ay lubos na nagagalak sa iyong walang sawang paggabay sa bawat mag-aaral at mga gurong aming minamahal na paaralan.

Bilang inyong mga anak, kami ay patuloy na lumalapit at nanalangin na kami ay inyong patuloy na hubugin kawangis ng inyong dakilang Anak na si Hesus.

Dalangin ng aming mga puso na ang bawat batang BAESians ay maging isang mabuting mag-aaral, masunurin, magalang at matapat sa lahat ng oras.

Ilapit po ninyo ang aming paaralang Bagumbong sa inyong pagmamahal at pagpapala sa lahat ng oras.

Nawa'y ang aming paaralan ay gawin po ninyong isang lugar na may kapayapaan, pagkakaisa at pagmamahalan kasabay ng aming pagkatuto sa araw-araw ng aming buhay.

Ang lahat ng ito ay aming buong pusong isinasamo sa matamis na pangalan ng inyong anak na si Hesus, AMEN.

Batang BAESian, Batang Ikararangal!!

 

Kaming mag-aaral ng

Paaralang Elementarya ng Bagumbong

 

Nananalig sa Diyos Nagmamahal sa

Inang Bayan

Gumagalang sa kapwa at nangangalaga sa kalikasan

Mga Batang BAESian Taglay ay talino Asal ay wasto.

Pag-aaral pagbubutihin Pangarap aabutin Aming adhikain

Batang BAESian Batang Ikararangal!

BAGUMBONG HYMN Sung by: Marc R. Naing/Sheila A. Duran Composer: Leilani D. Calayag

Arranger: Dr. Naohmie L. Rivera

Isulong ang ngalan ng paaralan

Bagumbong minumutya‘t minamahal

Tagumpay mo an gaming kahilingan

Mutyang paarala‘t, batang BAESian

Murang isipan pinanday mo ng lubusan

Hinubog pagkatao tunay na kayamanan

Bawat araw sa piling mo di malilimutan

Paaralan ng Bagumbong

tunay naming mahal

May taglay na talino asal ay wasto

Handang tumulong kahit kanino

Maglilingkod ng lubos sa bayan ko

Batang BAESian, Ikararangal ninyo

Paaralan ng Bagumbong ika‘y inspirasyon

Salamat sa iyong pamanang edukasyon

Sa isip, salita‘t gawa ay aming titiyakin

Batang BAESian

Batang Ikararangal

(Ulitin ang koro)

  Coda

Paaralan ng Bagumbong

Ikararangal ninyo

Welcome to

LR PORTAL

bottom of page